CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang mangangahoy nang tinangay ng tubig-baha nang bumuhos ang malakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng Cagayan de Oro City at Misamis Oriental.
Kinilala ni Misamis Oriental PDRRMO head Fernando Dy Jr. ang biktima na si Reyland Quilang, 35, residente sa Barangay Kimaya, Villanueva ng lalawigan.
Inihayag ni Dy na nasa kasagsagan nangangahoy ang biktima nang maabutan ito ng pag-ulan at pagbaha dahilan para tinangay hanggang sa malunod.
Narekober ang bangkay ng biktima sa loob ng isang imburnal ilang minuto ang nakalipas na paghahanap ng mga kapitbahay nito.
Samantala, napasok din ng tubig-baha ang maraming kabahayan sa Barangay Bugo at karatig lugar sa syudad.
Sinabi naman ni CdeO CDRRMD head Nick Jabagat na ilan din sa mga residente ang nagtamo ng mga sugat subalit hindi naman malubha.
Bagamat walang naman naiulat na mayroong namatay habang nagsagawa ang mga apektadong residente nang umiwas sila na maiipit nang pagbaha kagabi.