DAVAO CITY – Nanguna ang militar, tribal leaders at lokal na pamahalaan sa pag-rescue sa mga pamilya ng mga lumad na nasa UCCP Haran sa Father Selga St. sa lungsod.
Ang nasabing mga lumad ay dinala pabalik sa kanilang lugar sa Kapalong, Davao del Norte.
Sinasabing karamihan sa mga ito ay ginagamit ng mga militanteng grupo kung may isasagawang mga kilos protesta sa mga kalsada.
Ayon kay Mayor Ma. Theresita Timbol, ng Kapalong Davao del Norte, hindi na umano dapat na magpagamit ang mga lumad sa New People’s Army (NPA) lalo na at nakarating na sa kanilang mga lugar ang mga tulong na mula sa gobyerno.
Maliban sa limang mga pamilya, plano pang iligtas ng militar ang iba pang mga lumad na nananatili pa rin ngayon sa UCCP haran.
Pinayuhan din ng opisyal ang mga lumad na huwag maniwala sa mga rebelde na walang gobyerno na tutulong sa kanila.