Kinumpirma ng ilang pamilya ng umano’y biktima ng Extra Judicial Killings na naghahanda na sila sa pagharap sa International Criminal Court para sa pagdinig sa kasong Crime Against Humanity ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Si Duterte ay kasalukuyang naka ditene sa The Hague, Netherlands matapos na maaaresto sa Pilipinas .
Ayon kay alyas Mira , kapatid ng dalawang biktima ng EJK, naghahanda na sila ng kanilang aplikasyon para sa paglahok sa pagdinig.
Layon lamang aniya ng kanilang paglahok ay upang ipakita na totoo at nageexist ang mga naging biktima ng madugong war on drugs ng dating administrasyon.
Amindo rin ito na maraming pamilya ng biktima ang takot na lumantad.
Batay sa datos na isinumite ng ICC registry sa Pre-Trial Chamber I, aabot sa 200 representatives ng mahigit 2,000 biktima ng EJKs at higit 1500 na pamilya na kanilang nakunsulta.
Ang konsultasyon na ito ay para sa kinakaharap ng dating pangulo na kasong crimes against humanity.
Tiniyak naman ng ICC na ang lahat na natukoy na biktima ay mananatiling confidential.