CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng preemptive evacuation sa apat na bayan sa Isabela dahil sa bagyong Pepito
Dalawang pamilya na binubuo ng anim na indibidwal sa Benito Soliven ang inilikas sa bahay ng kanilang mga kamag-anak habang mayroong 76 na pamilya na binubuo ng 232 indibidwal na mula sa Maconacon ang inilikas sa Maconacon Central School at Maconacon National High Schhol.
Sa Dinapigue, Isabela ay mayroong 15 pamilya na binubuo ng 57 katao ang inilikas sa Dinapigue Conference Hall.
Sa Aurora, Isabela ay mayroong 7 pamilya na binubuo ng 26 katao ang inilikas.
Aabot sa 100 pamilya na bunubuo ng 321 katao ang kabuoang isinailalim sa preemptive evacuation.
Samantala, Ilang tulay na ang hindi madaanan dito sa lalawigan ng Isabela dahil pa rin patuloy na ulan na dala bagyong Pepito.
Hindi na madaanan ang mga overflow bridges sa Cabagan-Santa Maria; Gucab sa Echague, Isabela; Alicaocao sa Cauayan City; Cabisera 8 at Baculod overflow bridges sa Ilagan City, Sto Tomas bridge; Turod overflow bridge sa Reina Mercedes at Santa Maria bridge.