-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nagsagawa ng preemptive evacuation ang LGU ng Kananga sa mga pamilya na naninirahan sa Sitio Matin-aw, Barangay Rizal dahil sa nangyaring kaguluhan sa naturang lugar dulot ng mga New Peoples Army (NPA).

Ayon kay PMaj. Ariel Salarda, Acting Chief of Police ng Kananga MPS, na kahapon nang umpisahan ang evacuation dahil sa madalas na nangyayaring engkwentro sa gitna ng AFP at ng rebeldeng NPA.

Hindi pa malaman sa ngayon ng mga otoridad kung kailang makakabalik sa kani-kanilang lugar an mga residente.

Nanatili naman ang mga ito sa ngayon sa Rizal National High School kung saan malayo ang mga ito sa nangyayaring kaguluhan.

Sinuguro naman ng LGU ng Kanangga na magbibigay ito ng relief goods at iba pang pangangailangan ng mga evacuees.