Inanunsiyo ni outgoing US President Donald Trump na asahan ang karagdagang pardon na kaniyang ipapatupad bago umalis sa kaniyang puwesto sa papasok na buwan ng Enero.
Kabilang sa kaniyang anunsiyo ang pagbibigay ng pardon sa dalawang personalidad na naging “guilty” sa Robert Mueller’s investigation at ang kaniyang mga kaalyado na sina nina former campaign aide George Papadopoulos, former US Rep. Duncan Hunter at Chris Collins.
Kasama na rin dito ang apat na Blackwater guards, na ang founder ay ang political supporter na si Erik Prince. Ang mga ito ay unang na-convict ng federal jury noong 2014 dahil sa pagkakasangkot sa deadly shooting sa mga Iraqi civilians.
Sinasabing ginawa ng Republican President ang nasabing pardon matapos inirekomenda ng kanilang mga kaalyado sa Kongreso.
Kasama rin sa anunsyo ni Trump ang pagbawas ng natitirang termino sa pagkabilanggo ni dating Rep. Steve Stockman, isang Texas Republican na nahatulan ng Texas judge dahil sa ng halos dalawang dosenang felonies, kabilang ang pandaraya at money laundering. (with reports from Bombo Jane Buna)