-- Advertisements --

LAOAG CITY – Marami ang humanga sa ilang pari sa Italy dahil sa pagsasagawa ng mga ito ng misa sa roof top ng isang Building sa Sta. Maria d. Salute sa Napoli.

Sinabi ni Bombo International Correspondent Demetrio Bong Rafanan sa Rome, Italy na ang Napoli ay nasa bulubunduking bahagi ng Southern Italy.

Aniya, naglagay ang mga pari ng speaker sa rooftop ng building kung saan maririnig ito ng mga tao sa mga katabing building.

Hindi naman umano napahiya ang dalawang pari dahil sa pagsisimula pa lamang ng misa ay isa-isa nang dumungaw sa bintana at balcony ng mga katabing building ang mga tao.

Maalala na pinasara pansamantala ang mga simbahan at iba pang establisimyento sa buong Italy dahil sa coronavirus kung saan ang nasabing bansa ang may pinakamaraming namatay dahil umabot na ito sa 6,820.