-- Advertisements --
Binaha ang ilang lugar sa Southern Tagalog dahil sa naranasang ulan na dulot ng low pressure area (LPA).
Ayon sa ulat ng Pagasa, nakapagtala ng “heavy rainfall” sa Romblon, kaya agad silang nagtaas ng flood alert sa mabababang lugar.
Habang may pag-ulan din sa Bulalacao, Mansalay at Roxas sa Oriental Mindoro, pati na sa Burias Island at Aroroy sa Masbate.
Huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 35 km hilaga hilagang kanluran ng Daet, Camarines Norte.
Sa ngayon, maliit pa rin ang posibilidad ng LPA upang maging bagong bagyo.
Habang habagat naman ang nakakaapekto sa iba pang parte ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.