-- Advertisements --

May mga parte pa rin ng Barangay Tumana sa Marikina City ang hindi pa rin madaanan matapos ang malakas na buhos ng ulan at ihip ng hangin na dala ng bagyong Ulysses, ayon kay Vice President Leni Robredo.

Ang Barangay Tumana ang isa sa mga pinaka-apektadong lugar sa Marikina na hinagupit ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Robredo, malaking suliranin ngayon sa mga residente ng naturang barangasy ang makapal na putik na tumambad sa mga kalsada kaya’t hindi ito madaanan.

Marami pa aniyang problema ang mga residente ng Marikina dahil hindi pa sila nakakapaglinis kahit nakabalik na ang mga ito sa kani-kanilang tahanan.

Karamihan naman ng mga residente sa Rodriguez, Rizal ang nangangailangan ng basic items tulad ng hygiene kits, damit, tsinelas at pagkain.

Simula kahapon ay namigay ang Office of the Vice President ng kumot, diapers at hot meals para sa mga apektadong residente ng Rizal at Marikina.