-- Advertisements --
DAVAO CITY – Niyanig ng 4.9 magnitude na lindol ang ilang parte ng Mindanao, dakong alas-7:18 nitong Biyernes ng gabi.
Sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng nasabing lindol at nasa Kiblawan, Davao del Sur ang episentro nito.
Ang nasabing lindol ay may lalim ang sentro na 25 kilometers.
Habang naramdaman din ang Intensity V sa Digos City at Matanao, Davao Del Sur, Intensity IV sa Bansalan, Davao Del Sur; Koronadal City at Tupi, South Cotabato at Tulunan, Cotabato, habang nasa Intensity III naman ang Alabel, Sarangani at Intensity II ang Don Carlos, Bukidnon; General Santos City; Kiamba, Sarangani at Matalam, Cotabato.
Sa ngayon wala namang naiulat na danyos bunsod ng nasabing lindol.