-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY –Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Kiblawan Davao Del Sur at ang mga karatig-lugar nito, madaling araw ng Lunes.

Sa impormasyon mula sa Philvolcs, may lalim na 18 kilometro ang pagyanig na nangyari alas-1.44 ng madaling araw, at nangyari ito 7 kilometro Southeast ng nabanggit na lugar.

Naramdaman din ang intensity III na pagyanig sa ilan pang mga parte ng Mindanao, gaya ng Koronadal City; Bansalan at Magsaysay, Davao del Sur.

Nadama naman ang Intensity II sa Kidapawan City.

Naitala naman ang Instrumental Intensities na Intensity V sa Malungon, Sarangani Province at Intensity IV sa Koronadal City at Tupi, South Cotabato, Intensity III sa General Santos City at Alabel, Sarangani Province at Intensity II naman ang naramdaman sa Kiamba, Sarangani.

Sa ngayon ay patuloy na inaalam ng mga otoridad ang danyos bunsod ng nasabing malakas na pag-uga ng lupa na tinatayang nagtagal ng dalawang minuto.

Nabulabog ang pagtulog ng mga residenteng mula sa mga apektadong lugar lalong-lalo ang mga naninirahan sa coastal area ng GenSan matapos ang lindol.

Inalerto din ngayon ang publiko laban sa mga posibleng aftershock.