Natuyo na ang ilang parte ng Taal volcano at ilog na konektado rito dahil patuloy na volcanic activity.
Ayon kay Maria Antonia Bornas, chief ng Phivolcs Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division, indikasyon iyon ng mas aktibong kalagayan ng bulkan.
Nagmula aniya ang data sa international partners ng Phivolcs na nakaantabay din sa mga development ng nag-aalburutong island volcano.
“Drying up of portions of Pansipit River has also been observed. Furthermore, newly acquired satellite images would show that the Main Crater Lake (MCL) has been drained and new vent craters have been formed inside the Main Crater and on the north flank of the volcano,” saad ng pahayag mula sa Phivolcs.
Maliban dito, mas dumami pa ang nairehistrong pagyanig sa paligid ng lawa at mayroon ding mga bagong bitak sa Lemery, Agoncillo, Talisay at San Nicolas.
Sa ngayon, umaabot na sa 520 volcanic quake ang naitala at 169 sa mga ito ang naramdaman hanggang sa mga karatig na lugar.