-- Advertisements --
Iniulat ng Commission on Elections ang kabiguan ng ilang mga partylist groups na magsumite ng kanilang certificate of nomination – certificate of acceptance of nomination (CON-CANs).
Ito ay sa kabila ng kanilang pagpapakita ng interest na makibahagi sa 2025 Midterm Elections.
Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, umabot sa 160 partylist groups ang naghain ng kanilang manifestation of intent para makibahagi sa halalan.
Pero lima sa kanila aniya ang bigong magsumite ng kanilang CON-CAN.
Kinabibilangan ito ng mga grupong SMILE, ACT AS ONE, KASAMA, MARINO at STL.
Dahil dito, hindi makakasali ang mga naturang grupo sa halalan.
Noong 2022, umabot sa 270 partylist groups ang naghain ng kanilang mga CON-CAN.