-- Advertisements --
CEBU CITY – Nasagip ng mga tauhan ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office sa Cordova ang mga pasahero at tripulante ng isang island hopping pumpboat na lumubog sa dagat sa Barangay Gilutungan sa bayan ng Cordova dakong alas-11:00 ng umaga nitong nakalipas na Linggo, Setyembre 25.
Ayon kay PCG PO3 Jaevin Bernardo/Cordova Sub Station commander, biglang sumama ang panahon at lumaki ang alon kaya napuno ng tubig ang bangka na naging dahilan ng paglubog nito.
Gayunman, tiniyak ng opisyal na ligtas ang 32 katao na sakay ng pumpboat at walang malubhang nasugatan.
Napag-alaman na tumuloy pa rin sa kanila biyahe ang mga pasahero sa kabila ng report na pag-landfall ni bagyong Karding sa Northern Luzon.