BUTUAN CITY–Nagpatupad ng temporary preventive suspension ng biyaheng dagat ang Philippine Coast Guard (PCG-Surigao del Norte) sa mga sasakyang pandagat na may ruta sa iba’t ibang coastal municipalities sa nasabing lalawigan.
Ayon kay PCG-Surigao del Norte station commander Commodore Lawrence Roque, layunin nito na mapigilana ang posibleng insidente sa mga sasakyang pandagat lalo na ang mga de pasaheroan dahil sa naglalakihang mga alon.
Sa eksklusibong panayam sa Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Commodore Roque na sakop sa kanilang direktiba ang mga sasakyang pandagat na may timbang na 20-gross tonnage o 20-tonelada pababa at iba pang mga malilit na sasakyan.
Samantala nilinaw nito na may ibang mga sea crafts ang kanilang pinayagang bumiyahe lalo na ang mga roll-on roll-off o Ro-Ro vessels na mas higit na sa 20-tonelada ang timbang na kaya ng lumusong sa hampasn ng malalaking alon.
Kaugnay nito muabot sa 27 na mga pasahero kahapon ang stranded matapos hindi pinayagang makapaglayag sa mga isla ang apat na pampasaheroang bangka.
Kasama sa mga sinuspendi ang island hopping kung kaya’t wala munang mga turistang makakapagsagawa ng kanilang island hopping sa mga isla sa nasanbing lalawigan.