-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Pinababa ang tatlong pasahero na biyaheng Tabaco-Catanduanes dahil sa kakulangan ng travel documents.

Humihingi kasi ang Catanduanes ng negatibong resulta ng RT-PCR test bilang parte ng paghihigpit sa border restrictions.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Tabaco Port Manager Stephen Agnas, isa lamang sa apat na magkakasama sa isang grupo ang nakapagpakita ng negative RT-PCR test result.

Nabatid na nakabili na ng ticket sa barko ang mga ito at nakapasok na subalit sa pag-check ng border control officer, nadiskubre na kulang ang papeles kaya pinababa ang mga ito.

Napag-alaman pa na dalawa sa mga ito ang nagpositibo sa rapid test kaya pansamantalang naka-hold sa quarantine facility.