-- Advertisements --

Susubukan ng Phivolcs na ma-retrieve ang ilang pasilidad na natabunan ng abo at nasira sa pagsabog ng Taal volcano.

Ayon kay Phivolcs Dir. Renato Solidum, ilan sa mga gamit nila ang nawalan lang ng power dahil natakpan ang solar panel ngunit maaari pang maayos.

Malaking tulong umano ang mga ito para sa mas mabilis na paglalabas ng data ukol sa volcanic activity ng Taal.

Gayunman, marami aniyang dapat isaalang-alang para sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan na magre-retrieve ng mga iyon.