-- Advertisements --
Iniulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nawawala ang ilang payao o fish aggregating devices na inilagay ng mga mangingisda sa unang bahagi ng Abril malapit sa Rozul reef na nasa timog bahagi ng Reed Bank.
Ayon sa isang mangingisda na kasama sa grupong naglagay ng payao, tanging nasa 6 mula sa 10 na lamang ang payao na naiwan sa nasabing reef noong kanilang binalikan para i-check ang mga ito.
Sa ilang oras naman na paghahanap, tanging 2 payao na lamang ang nahanap ng grupo ng BFAR.
Nakita ding palutang-lutang ang piraso ng lubid sa lugar kung saan 1 sa mga payao ang namataan.
Paliwanag naman dito ng BFAR na posibleng natanggal ang mga nawawalang payao o natangay lamang ng mga agos pero ito ay kanila pang ibeberipika.