-- Advertisements --
Pangungunahan pa rin ng karamihang PBA players ang bubuo sa GILAS Pilipinas na sasabak sa final window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, na gaya noong Window 5 ng torneo ay hindi niya binago ang mga koponan kung saan niya kukunin ang mga manlalaro.
Isang malaking karagdagan na rin ngayon ay ang naturalized player na si Justin Brownlee.
Nasa Group E ang Gilas na mayroong limang panalo at tatlong talo kung saan makakaharap nila ang Lebanon sa Pebrero 24 at ang Jordan sa Pebrero 27 na parehas na gaganapin sa Philippine Arena.