Nag-aabang ang mga Filipino sa Myanmar, kung papayagan pa ring magpatuloy ang ilang proyekto na kanilang sinimulan, bago pa man ang kudeta.
Ayon kay Atty. Jobert Pahilga sa panayam ng Bombo Radyo, ang kumuha kasi sa kanila bilang land reform advisor ay ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon, kaya hindi malayong ma-terminate ang kanilang mga programa, kahit pinondohan ito ng United Nations.
“Sinabi sa amin na mag-abang lang ng notice kung itutuloy pa ang land reform projects o hindi na….basta hanggang next week, hintayin na lang namin,” wika ni Pahilga.
Nabatid na isa sa ginawang pattern ng Myanmar government ang estilo ng land reform sa Pilipinas.
Samantala, naghahanda naman ang mga Pinoy sa posibleng paglikas, kung sakaling lulubha pa ang mga aktibidad sa pagitan ng pro at anti-military junta.