LAOAG CITY – Mas pinili na ng mga ilang Pilipino na sa Lahainai, Maui Hawaii a manatili sa mga parking lot ng mga shopping center sa Kahului dahil masikip na ang mga tents kung saan naroroon ang mga taong lumikas.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Manny Pascua sa Hawaii, ito ay dahil sa dami ng tao na inilikas at nagtungo sa mga tents na ibinigay ng pamahalaan at siksikan na umano ang mga ito.
Mayroon pa umanong Pilipino katulad ni Manilyn Ibañez na nagtatrabaho mismo sa Lahaina ang ayaw ng bumalik sa lugar dahil hindi nito maalis sa kanyang isipan ang pangyayari.
Hinggil dito, wala pa ring suplay ng tubig at kuryente sa natuang isla at pahirapan rin ang komunikasyon dahil sa malawakang wildfire.
Ipinaalam pa nito na nagdagdag na rin ng flights ang Hawaiian Airlines at Southwest Airlines kung saan inalok pa ang mga tao ng mas murang pamasahe para makalabas mismo sa isla at kahapon lamang ay aabot sa 14,000 na katao ang lumabas at nagtungo sa ibang lugar partikular na ang mga guest ng hotels.
Samantala, dagdag nito na patuloy rin ang pagdami ng mga donasyon na maibibigay sa mga apektadong indibiduwal.