-- Advertisements --
LEGAZPI CITY – Aminado ang ilang Pilipino na nananatili ngayon sa Amerika na mayroong mga kababayan na nakakaranas at nagiging biktima ng racism sa US.
Ayon kay Frances Carmela Desquitado na naninirahan ngayon sa Menifee, California, karaniwan na isinisisi sa mga ito ang pagkakaroon ng COVID-19.
Sa lugar naman kung saan nakatira si Carmela, marami aniya ang minorities kung saan binubuo ito ng 80% na Mexicano.
Subalit kung ikukumpara sa malalaking lungsod, hindi naman aniya gaano kalala ang nararanasang racism.
Samantala, pinawi naman ni Carmela ang pangamba ng mga kapamilya sa Pilipinas dahil nasa ligtas na kondisyon umano sila at nag-iingat na makasalamuha ang mga taong nasa likod ng tumataas na kaso ng hate crime.