-- Advertisements --

Nadiskubre ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na may ilang grupo ng mga Pilipino na sinusubukang magpatakbo ng sariling scam hub sa bansa.

Itoy matapos ang sunod-sunod na operasyon ng gobyerno laban sa mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators.

Ayon kay PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio, may iilan silang natukoy na sumusubok magpatakbo ng indigenous scam farm.

Ito ay dahil na rin aniya sa laki ng pera na nakukuha sa ganitong uri ng ilegal na operasyon.

Sinalakay din aniya nila nitong mga nakalipas na buwan ang ilang online fraud at online scam networks na pinapatakbo mismo ng mga Pilipino.

Kaugnay nito ay tiniyak ng PAOCC na kanilang ipagpapatuloy ang lahat ng kanilang operasyon laban sa lahat ng uri ng scam hub sa bansa.