Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang aabot sa labing limang Chinese at limang Pilipino dahil sa umano’y pagkakasangkot sa scamming activities at tangkang panunuhol sa mga operatiba.
Sa pahayag na inilabas ng NBI, naaresto ang mga ito matapos ang ikinasang joint operation katuwang ang mga tauhan ng Bureau of Immigration sa loob ng Aseana City in Paranaque City.
Kinilala ang mga naarestong Chinese national na sina Xu Chao, Meng Wei Shi, Xing Chao, Qin Hai Feng, Li Xiang Hua, Zhang Wei, Wang Qin Xiang, Wang Jia Fa, Jiang Qi Long, Luo Shang Fen, Qixin Wang, at Chen Jiang Song.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 at R.A 12010 o Anti-Financial Account Scamming Act na may kaugnayan sa R.A. 10175.
Tinukoy naman ang mga Pilipinong naaresto na sina Ezechiel Bernales, Robustiano Hizon, John Abunda Villanueva, Kristoffer Ryan Habelito Baguna, at Hanif Mala Bautil.
Narekober sa lugar ang mga ginamit na computer at iba pang gamit sa pagsasagawa ng iligal na aktibidad.
Aabot naman sa P3,600,000 milyon ang kabuuang halaga na ininalok ng suspek sa NBI kapalit ng mga naarestong Chinese.