-- Advertisements --
image 341

Nagsama-sama ang ilang Pinoy Army o fans ng k-pop group na BTS para ipagdiwang ang birthday ng band member na si J-Hope

Super happy ang mga taga-hanga ng Korean rapper at pagbati ang natatanggap lalo na sa mga fans nito dito sa Pilipinas.

Matatandaan na isa si J-hope sa mga nag-donate sa mga naapektuhan ng lindol sa Turkey kasama ang ilang artist.

Siya ang naging unang miyembro ng BTS na pumasok sa Billboard Hot 100 bilang soloist noong 2019, dahil sa kanyang single na “Chicken Noodle Soup. Noong 2022, inilabas ni J-Hope ang kanyang debut studio album na Jack.