Kinumpirma ng Doctors Without Borders na may mga kasamahan na silang nasa Thailand at Myanmar na nakahandang makibahagi sa humanitarian activities para sa mga biktima ng malakas na lindol.
Ayon kay Regina Layug Rosero, Communications and Liaison Officer ng grupo, maaaring tumugon sa pangangailangan ang mga kasapi ng kanilang organisasyon sa oras na mabigyan sila ng clearance.
Hiling lang ng grupo na mapabilis ang approval ng access nila para sa mga personnel at mga supply na gagamitin sa critical areas.
Naniniwala ang mga manggagamot na mahalaga ang oras sa pagsalba sa mga apektado ng kalamidad, lalo na ang mga nasa vulnerable sector o mga dati nang may karamdaman, nakatatanda, buntis at may kapansanan.
Iniulat din ng Doctors Without Borders na ligtas ang lahat ng kanilang mga kasapi na dati nang nakabase sa nasabing mga bansa.