-- Advertisements --

Nagpaabot ng goodluck wish ang ilang mga Pinoy basketball fans sa magiging laban ng Philippine basketball team sa 2017 FIBA Asia Champions Cup na gaganapin Chenzhou, China.

Iniulat ngayong araw ng national coach na si Chot Reyes na nakarating na rin sila sa kanilang magiging official team residence sa isang hotel matapos ang mahabang land trip.

Una rito, nakahinga ng maluwag si Reyes nang makahabol din at maisyuhan ng Chinese visa ang kanilang 7-foot-1 reinforcement na si Isaiah Austin.

Subalit ang 6-foot-6 Congolese na si Rod Ebondo ay may problema pa rin sa travel documents.

Unang makakalaban bukas ng gabi ng mga Pinoy dakong ng alas-9:45 ang team ng BC Astana ng Kazakhstan.

Sinasabing meron ding American import ang Kazakhstan.

Target ng Team Pilipinas ang Top 4 finish sa kanilang grupo upang umusad sa knockout stage hanggang quarterfinals.

Kabilang sa mga miyembro ng team ay ang Southeast Asian Games veterans na sina Kiefer Ravena, Carl Bryan Cruz, Raymar Jose at Almond Vosotros.

Kabilang din ang ilang PBA players na sina Norbert Torres at LA Revilla, at magkaptid na Jeron Tengat  Jeric Teng.

Kasama naman sa reserve si Andre Paras.