LEGAZPI CITY – Inilikas na ng mga employers ang kanilang mga empleyado mula sa Shewa Robit, na isang bayan sa Ethiopia, dahil sa lumalalang tensyon kaugnay ng nagpapatuloy na civil war sa pagitan ng pamahalaan at Tigray People’s Liberation Front.
Kabilang sa mga ito ang ilang Pilipino na nananatili muna sa hotels sa Addis Ababa, capital city ng naturang bansa.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Robert Estrella, tubong Antipolo City at 12 taon nang nagtatrabaho sa electonics industry sa Ethiopia, ang iba sa mga ito ay irerepatriate muna sa Indonesia.
Noong nakalipas na mga araw, idineklara na ang state of national emergency matapos makubkob ng TPLF ang strategic town ng Dessie sa Amhara region.
Sa kaparehong panayan, sinabi ni Jofel Jamili, tubong Cebu na kapansin-pansin na rin ang paghihigpit sa mga lumalabas at tinitingnan kung may dalang mga armas.
Sa kabila nito, normal pa naman aniya ang buhay sa lungsod kumpara sa ibang mga rehiyon na sentro ng kaguluhan.