-- Advertisements --

ILOILO CITY – Pinaputukan at hinagisan umano ng tear gas ng Taliban militants ang ilang mga Pinoy evacuees na nagpumilit pumasok sa Hamid Karzai International Airport sa Kabul, Afghanistan.

Ayon sa ulat ni Bombo international correspondent Lorena Aurelio, nagtatrabaho sa isang logistics company sa Kabul City, desperado na ang lahat ng mga Pinoy sa Afghanistan na makapasok sa paliparan upang makaalis na sa nasabing bansa.

Aniya, nagkaroon pa ng stampede sa gate ng airport kung saan sugatan ang halos 20 katao.

Sa huli, pinayuhan na lang ng Philippine Embassy ang mga Pinoy na bumalik na lang sa kanilang tirahan at tiyakin na hindi mawawala ang kanilang passport at visa.