Natatakot na bumalik sa kanilang mga tahanan ang ilang mga Pilipinong naninirahan sa mga lugar na tinamaan ng nakamamatay na lindol sa Turkey na ang ilan nga ay idineklarang danger zone ng mga awtoridad.
Ayon sa ilang salaysay ng mga Pinoy na naninirahan sa naturang lugar ay pahirapan ang kanilang paglabas patungo sa Farm.
Paglalarawan pa nito na animoy Ghost Town ang kanilang mga bahay dahil narin sa takot bumalik ang mga kababayan nilang nakatira doon.
Ang lindol na kanilang naranasan ay kakaiba at ang ilan nga ay unang pagkakataon pa lamang nakaramdam ng napakalakas na lindol.
Una ng sinabi nin Turkey Ambassador Maria Elena Algabre na tinatayang aabot na sa halos dalawang daan na Pilipino ang naitalang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol.
Pahayag naman ng embahada na pahirapan ang komunikasyon sa mga pilipinong naroroon at patuloy aniya ang kanilang pakikipag coordinate sa 11 na probinsya sa naturang bansa.