-- Advertisements --

Dismayado ang ilang Filipino workers sa Cyprus makaraang hindi mabilang ang kanilang mga boto sa katatapos na eleksyon.

Ayon kay Federation of Filipino Organizations in Cyprus chairperson Ester Beatty, ang ibang balota na pinadala sa pamamagitan ng postal service ay noong Biyernes lamang dumating.

Pero dahil weekend, hindi na ito umabot sa konsulada ng Pilipinas para mabilang hanggang Mayo 13, 2019.

Una rito, ipinaliwanag ni Comelec Comm. Rowena Guanzon sa panayam ng Bombo Radyo na kaya hindi agad naipadala ang mga balota dahil sa atrasadong pag-apruba ng 2019 national budget, kasama na ang pambayad sa postal service sa ibang mga bansa.

Nabatid na mahigit 10,000 ang mga Filipino sa Cyprus, kung saan ang iba sa kanila ay nasa malalayong probinsya nagtatrabaho.