LAOAG CITY – Maraming Pilipino sa Houston ang dumadanas ng pagbaha sa kani-kanilang bahay dulot ng Tropical Depression Imelda.
Ito ang kinumpirma Bombo International Correspondent Cheryl Echols, taga-Las Piñas City pero kasalukuyang naninirahan sa nasabing lugar sa estado ng Texas sa Amerika.
Kuwento ni Echols, marami siyang nakakausap na kapwa Pilipino sa Houston at nalaman niya na ang bahay ng ilan sa mga ito ay lubog na sa baha.
Ayon pa kay Echols, dahil sa nararanasan nilang baha ay nawalan sila ng suplay na kuryente at suspendido na rin ang pasok sa paaralan at trabaho.
Maging ang ilang establishment aniya roon ay nagsara na rin.
Sa ngayon, puspusan naman daw ang pagtulong ng mga otoridad at opisyal ng gobyerno sa mga binahang residente sa pangunguna ng alkalde sa Houston.
Nabatid na marami ring mga hayop na kasamang nire-rescue ng mga otoridad.