-- Advertisements --
TUGUEGARAO CITY – Nagsimula nang dumating sa St Peters Square sa Vatican ang mga Pilipino ilang oras bago ang isasagawang misa sa ika-500 taong anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Sa ulat ni Bombo International Correspondent Demetrio Rafanan, na mahigpit na rin ang seguridad sa lugar kung saan 100-katao lamang na may tiket ang papayagang makapasok sa St Peters Square.
Bitbit ng mga ito ang flaglets ng Pilipinas.
Bagamat limitado lamang ang papapasukin dahil sa pag-iingat laban sa Covid-19, maaari namang masaksihan ng iba pang mananampalataya ang banal na misa sa pamamagitan ng big screen monitor na nasa labas at mga online.
Ang misa ay pangungunahan ng Santo Papa mamayang alas-10 ng umaga sa Italy o alas singko ng hapon sa Pilipinas.