-- Advertisements --

Patuloy na naghahanap ng paraan ang Department of Foreign Affairs (DFA) para ma-contact ang isang grupo ng mga Filipino workers na nananatili sa magulong bahagi ng Tripoli, Libya.

Ayon kay DFA Usec. Elmer Cato, una nang nagmatigas na umalis sa compound ang grupo ng Pinoy engineers, sa kabila ng pagpapalikas ng pamahalaan.

Huli umanong nakapag-communicate ang mga ito noong weekend, ngunit hindi na muling nakatawag.

Blangko naman ang mga kinatawan ng Pilipinas na malapit sa Libya ukol sa kalagayan ng ating mga kababayan dahil nagpapatuloy umano ang matinding sagupaan ng mga armadong grupo.

“As heavy fighting continues to rage in the outskirts of Tripoli, Libya has been desperately trying to reach a group of Filipino engineers who refuse to leave their compound in the frontline. They have been incommunicado for the past four days,” wika ni Cato.