-- Advertisements --
image 414

Iniulat ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo de Vega na tumangging bumalik sa kani-kanilang apartments ang ilang mga Pilipino sa Morocco dahil sa takot sa aftershocks kasunod ng tumamang magnitude 6.8 na lindol sa naturang bansa.

Kaugnay nito, ayon kay USec. De Vega, nagpadala ng isang grupo para matugunan ang sitwasyon ng wala pa sa 20 mga Pilipino na una ng napaulat na walang lugar na matutulugan.

Sa kasalukuyan, ligtas ang mga Pilipino nasa Morocco at walang napaulat na casualty matapos ang malakas na lindol na ikinasawi na ng 2,900 indibidwal.

Una ng sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na nasa 350 hanggang 400 Pilipino sa Morocco ang posibleng naapektuhan ng lindol.

-- Advertisement --

Iniulat din ng ahensiya na nakapagpadala na ang mga kinauukulan sa pamamagitan ng Philippine Embassy sa Rabat ng basic necessities gaya ng pagkain at tubig para sa mga nangangailangan.

Top