Nababahala na ang ilang mga Pinoy sa New York sa nangyaring strike na ginawa ng halos nasa 7,000 nurses sa dalawang malalaking ospital ng Estado kabilang na ang Montefiore Medical Center sa Bronx at Mount Sinai Hospital. Sa nasabing bilang, 1,000 dito ay mga Pinoy nurses.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Bombo International Correspondent Earvin Granada na residente sa New York, sinabi nito ang posibleng maging epekto ng nangyayaring strike mas lalo na sa mga residente.
“As of now, ang pinakamalaking effect niyan [strike of nurses] ay iyong mga patients sa loob [ng hospital], kasi hindi natin alam kung nababantayan sila. Ang reklamo nila is the understaffing at ang shifting nila. Kasi syempre kapag napapagod ang mga nurses, paano na iyon? Sino ang makakapalit nila? Like itong shift na ito ma-cover nila tapos hindi papasok iyong isang [nurse] kasi nga nagkasakit dahil nag-overshift din siya. So that’s the big problem. They are really voicing out that it’s not about the money, it’s about the staffing.”
Inilarawan din nito ang nararamdaman at reaksyon ng mga Pinoy sa nasabing bansa.
“Nakakabahala. Kasi what if ako ang mapunta doon sa hospital, and then walang mag-asikaso sa akin? Hindi ba as a person nakakabahala sa iyon? If ang family ko mangyari sa kanila [na ma-hospital], nakakabahala talaga.”
Matatandaan na ang pangunahing dahilan sa strike na ginawa ng mga nurses sa dalawang malalaking hospital sa New York ay matapos na hindi magkasundo ang management ng dalawang ospital at New York State Nurses Association sa implementation ng karagdagang nurses na ilang taon nang nakabinbin, kasama na rin dito ang pagtaas ng sahod.