-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Hindi totoong may Pilipino sa Asan, South Korea ang apektado ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ito ang kinumpirma ni AJhun Bermudo Jr., isang factory worker sa naturang bansa kung saan inihayag niya na aabot na sa 20 indibidwal ang natamaan ng virus sa lugar na kanilang pinagtatrabahuan.

Sinabi pa ng OFW na tubong La Trinidad, Benguet na iilan lamang sa ngayon ang mga nakabukas na grocery stores at pahirapan pa rin umano ang pagkuha sa mga face masks dahil sa kakulangan ng suplay.

Wala pa raw umanong direktibang maire-repatriate ang mga Pilipino sa Asan, South Korea ngunit isinasagawa pa rin umano nila ang iba’t ibang preventive measures laban sa COVID-19.

Ipinasiguro ni Bermudo na ginagawa ng gobyerno ng South Korea para sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers doon.

Handa rin daw magpa-repatriate ang mga Pinoly doon sakaling hihingin ito ng gobyerno ng Pilipinas.