-- Advertisements --
Coronavirus WHO photo
Worldwide emergency alert on Wuhan coronavirus (photo from WHO)

BACOLOD CITY – Takot na rin ang karamihan sa mga Pinoy na nasa Wuhan, China ngayon dahil kahit mabuti pa ang kanilang kalagayan ay hindi nila alam kung infected na sila ng novel coronavirus o hindi.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Chai Roxas, nais nilang ma-relocate para masiguradong ligtas sa banta ng novel coronavirus.

Mayroon pa rin aniyang mga Pinoy na nagtatrabaho kahit hindi naka-mask.

Sarado na rin ang karamihan sa mga kalye sa Wuhan at marami na ang hindi nakakalabas at nakakapasok.

Marami namang nananamantalang negosyante at nagpapataas ng presyo ng mga bilihin sa gitna ng pagpa-panic buying.

“Sana gawin ng government na e relocate na lang kami sa mas safe na place dahil hindi naman kami Chinese na mag stay dito. Kasi kaunti lang naman kami, yon din ang sabi ng iba kasi natatakot na rin sila sa safety nila dito,” ani Chai Roxas

Sa panayam naman ng Star FM Bacolod kay Jay, Pinay na nagbakasyon sa Wuhan at nasa Haiku City, China ngayon, mabuti na aniya ang pakiramdam niya matapos indahin ang pananakit ng ulo at walang ganang kumain.

Lock down na rin ang buong Hubei province.

Nagkaubusan na din ng face mask kaya hindi na sila nakabili at hindi din makalabas at makabili ng dagdag na pagkain dahil sarado na lahat ng mga pamilihan.

Samantala, sapat naman ang pagkain ng mga Pinoy sa Wuhan at hindi pinababayaan ng mga amo nila.

Ngunit humihingi pa rin sila ng tulong sa Philippine government na pansamantalang alisin sa siyudad dahil sa outbreak.