-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ilang Pinoy seaman ang stranded ngayon sa loob ng kanilang barko dahil sa coronavirus sa Belgium.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Jhun Ocampo, tubong Batac City, galing sila sa bansang Egypt at nagtungo sila sa Belgium para maghatid ng mga langis.

Subalit dahil sa COVID-19 ay pinagbawalan silang lumabas kaya’t nananatili na lamang sila sa loob ng barko.

Aniya, 10 silang Pilipino habang ang 10 ay iba’t iba ang lahi.

Nagpapasalamat naman si Ocampo dahil hindi sila pinababayaan ng kanilang kompaniya.