-- Advertisements --

Nasa halos 50 na mga pisonet at computer shop ang naipasara sa lungsod ng Navotas dahil sa pagsuway sa ipinapatupad health protocols.

Sinabi ni Mayor Toby Tiangco, karamihan sa mga ipinasarang computer shop o yung tinatawag na mga piso net ay walang anumang permit na mag-operate.

Nasa mahigit 1,100 na rin ng mga menor de edad at yung mga nasa hustong gulang ang naaresto dahil sa paglabag sa curfew.

Pinatawag at pinagmulta ang mga magulang ng mga batang naaresto.

Patuloy din ang pagtanggap ng kaniyang opisina ng mga reklamo sa mga lumalabag sa ipinapatupad na physical distancing at ibang mga health protocols kung saan kanila naman nitong tinutugunan.

Sa ngayon ay mayroon 4,585 ang nadapuan ng COVID-19 sa lungsod kung saan 4,106 dito ang gumaling na at 129 ang pumanaw.