-- Advertisements --

Nananatili pa rin sa bansa ang ilang bosses ng mga ipinagbawal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

Aniya, humahanap ang mga ito ng pagkakataon para maipagpatuloy ang kanilang mga scamming activities sa bansa.

Bilang patunay, tinukoy ng PAOCC ang naarestong 559 na mga dayuhang nagtratrabaho sa scam hubs sa Parañaque at Pasay city mula ng magsimula ng 2025.

Sa isang statement, sinabi ng ahensiya na ang malalaking raids na ito ay indikasyon na malaking bilang pa rin ng POGO bosses ang nananatili sa bansa na paglabag sa ipinatupad na ban ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga POGO.

Bagamat karamihan aniya ng natitirang scam hubs sa bansa ay nagtatago sa maliliit na residential at commercial area, nagpapakita ang mga kamakailang raids na may mga natitira pa ring POGO na nago-operate bilaang large scale hubs sa major urban centers.

Sa kabila nito, sinabi ni PAOCC executive director USec. Gilbert Cruz sa isang statement na kumpiyansa itong tuluyang mawawaksan ang problema sa POGO sa katapusan ng taon sa tulong na rin ng ibang mga ahensiya ng gobyerno at local government executives.