-- Advertisements --
DAGUPAN CITY – Inamin ng mga opisyal sa Pangasinan na may ilang paaralan sa Dagupan City na magsisilbing polling center sa halalan ang nakitaan ng iregularidad.
Batay sa pagsusuri ng Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng magdulot ng power shutdown ang nakita nilang mga kable ng kuryente na buhol buhol sa ilang pasilidad ng mga paaralan.
Dahil dito agad binigyan ng notice to comply at correct violation ng BFP ang naturang mga eskwelahan para matugunan ang problema bago ang halalan sa May 13.
Paliwanag ng BFP, kailangang matiyak ang kaligtasan sa mga polling precincts para maiwasan ang ano mang aberya.
Sa ngayon tuloy-tuloy umano ang inspeksyon ng tanggapan hanggang katapusan ng Abril.