Pinagpapaliwanag ngayon ng Energy Regulatory Commission ang anim na power generation companies sa bansa matapos ang ilang serye ng pagsasailalim sa Red at Yellow alert Status ng Luzon at Visayas Grid ngayong buwan ng Abril.
Pinaiimbestigahan na rin ng komisyon ang mga ito dahil sa pagpalya ng mga grid na naging dahilan naman para itaas ang mga nasabing alerto.
Sinabi pa ng ahensya na ilalabas nila ang inisyal na resulta ng kanilang isasagawang imbestigasyon sa unang linggo ng Mayo ng kasalukuyang taon.
Ang initial findings ay siya namang pagbabasehan kung kakailanganin ba na maglabas ng show cause order sa mga stakeholders nito.
Layon rin nito na matukoy kung may mga naging paglabag sila sa outages allowances.
Kung maaalala, nagpataw rin ng multa ang kumisyon sa 14 na power generation companies noong nakalipas na taon dahil lumabag ito sa allowable na numero ng outage days.
Patuloy rin ang monitorong ng ahensya sa presyo ng Kuryente sa Wholesale Energy Spot Market.
Ayon sa ERC, lumalala kasi ang pagnipis ng supply ng kuryente kapag mataas ang demand lalo na at tag-init.