Nagpahayag ng suporta ang Private Hospitals Association of the Philippines Inc. sa panukalang 50 % coverage para sa mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation na na-admit sa mga pribadong ospital.
Iginiit ng grupo na ang parehong benepisyo dapat palawigin sa mga nasa pampublikong pasilidad.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. president Dr Jose de Grano, ang ganitong panukala ay makabubuti sa mga miyembro ng Philhealth.
Sinabi ni De Grano na kumpiyansa siya na may kapasidad ang PhilHealth na magbigay ng mga naturang benepisyo.
Una nang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na itutulak nitong mataasan ang mga benepisyo ng PhilHealth at masakop ang hindi bababa sa 50 porsyento ng mga gastos sa mga pribadong ospital.