-- Advertisements --

Pinaiimbestigahan na ang ilang pribadong sasakyan na namataang dumaan sa EDSA Bus Carousel lane habang escort ng Philippine National Police- Highway Patrol Group sa Guadaluper, Makati City.
Ayon kay Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) chief Charlie del Rosario na bawal ang mga pribadong sasakyan sa lane na iyon kung kaya kakausapin umano niya ang HPG para pag-usapan ang nasabing insidente.
Makikipag-ugnayan umano ito sa Department of Transportation (DOTr) para malaman kung may nagawang paglabag ang mga tauhan nito.
Dagdag pa ni Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) chief Charlie Del Rosario na tanging mga piling sasakyan lamang ang maaaring dumaan sa bus carousel lane at kung may lalabag ay ire-report sa Land transportation Office.