Nahaharap sa magdamag na pag-ulan ang ilang mga probinsya sa tatlong rehiyon sa bansa.
Kinabibilangan ito ng mga probinsya ng Camarines Sur, Camarines Norte, at Catanduanes sa Bicol Region, Quezon province sa Calabarzon, pobinsya ng Aurora sa Central Luzon, at Isabela sa Cagayan Valley.
Ang mga nabanggit na probinsya ay pawang nakaharap sa eastern seaboard ng Pilipinas direkta sa karagatang Pasipiko.
Ayon sa state weather bureau, makakaranas ang mga ito ng hanggang 100 mm ng tubig-ulan. Maaaring magpatuloy pa ito hanggang bukas ng tanghali, Feb. 12.
Maaari ring magbunsod ito sa malawakang pagbaha o pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog at sapa na maaaring umabot hanggang sa mga komunidad.
Posible ring magdulot ito ng mga pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na dati nang nakakaranas ng mabibigat na pag-ulan.