-- Advertisements --

Nahaharap sa banta ng pagbaha ang ilang probinsya sa buong bansa dahil sa patuloy na pag-iral ng easterlies o malakas na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko.

Ayon sa state weather bureau, ang easterlies ay nagdadala ng mga malalakas na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa na posibleng maging dahilan ng biglaang paglobo ng mga kailugan at mga tributaryo ng mga ito.

Kinabibilangan ito ng mga sumusunod:

Eastern Samar, Northern Samar, Leyte, at probinsya ng Samar na pawang mula sa Eastern Visayas (8).

Mararanasan din ang kahalintulad na sitwasyon sa mga probinsya ng Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, at Zamboanga del Norte na pawang mula sa Zamboanga Peninsula Region (9).

Bagaman posibleng magpatuloy ng ilang oras ang mga pagbaha, maaaring tuluyan ding titigil ang naturang sitwasyon sa mga sumusunod na araw, dahil sa unti-unting pag-iral ng dry season dito sa buong Pilipinas.