Naglabas ng mensahe ang British government sa mga tao na nagnanais na bumisita sa United Arab Emirates.
Kilala ang UAE dahil sa zero tolerance nito sa pagdadala ng drugs sa kanilang bansa.
Paalala ng UK’s Foreign and Commonwealth Office (FCO) na may mga produkto umano na hindi halatang nagtataglay ng drugs.
Ayon sa FCO, may ilang skincare products at E-cigarette refills ang may sangkap na iligal sa UAE tulad na lamang ng CBD oil.
Ang CBD oil ay nagtataglay ng cannabidiol, isang substance na makikita sa marijuana at minsan ay ginagamit upang pahupain ang nararamdamang sakit.
Maaari itong legal na bilhin sa mga European countries dahil sa limitado nitong sangkap na tetrahydrocannabinol (THC), isang psychoactive substance na matatagpuan sa cannabis.
Naging sikat ang CBD oil bilang ingredient sa mga cosmetic products dahil sa umano’y anti-inflammatory properties nito.
Ang mga produkto naman na may CBD oil tulad ng sabon, moisturizers, eyeliner at lipsticks ay legal na ibinebenta sa Europe at US.