Maraming mga protesters ang inaresto ng makasagupan nila ang mga kapulisan sa Melbourne.
Ayon sa mga kapulisan na pinagbabato sila ng mga bote na may asido at target nila ang military hardware sales show.
Dahil dito ay gumamit na ang mga kapulisan ng tear gas at rubber bullets.
Kinondina naman ni Australian Prime Minister Anthony Albanese ang insidente kung saan hindi naman pinagbabawalan ang mga Australians na magsagawa ng protesta subalit dapat ito ay gawin ng mapayapa.
Sa pagtaya ng mga otoridad na mayroong mahigit 1,200 na mga protesters ang tinarget na pasukin ang Land Forces International Land Defence Exposition kung saan ang iba ay may dala pang watawat ng Palestine.
Aabot rin sa 20 mga kapulisan ang sugatan matapos na sila ay pagbabatuhin ng mga protesters.