-- Advertisements --
Ilang libong Cubans ang nagsagawa ng kilos protesta para labanan ang communist government.
Nag-martsa ang mga ito sa mga lungsod gaya sa capital na Havana.
Nagsisigaw ang mga ito na kumokontra sa diktator na gobyerno.
Ikinagalit ng mga ito ang pagbagsak ng ekonomiya ganon din ang mahinang paghawak ng gobyerno laban sa COVID-19.
Sumiklab ang galit lalo ng mga protesters matapos sabihin ni Cuban President Miguel Diaz-Canel na ang mga protesters ay kinuha ng US para sirain ang gobyerno ng Cuba.
Kinampihan naman ng White House ang mamamayan ng Cuba kung saan dapat na pakinggan ng gobyerno ang hinaing at tugunan ang pangangailangan ng mga tao.